My Old Friendster Blog



Hmmm… Ok… Tinamaan ako ngayon ng gana na magbasa ng mga luma kong post sa dati kong blog na http://nightspring.blog.friendster.com/ Buhay pa ang blog na to dahil nasa friendster account ko at wala pa naman akong balak i-delete ang blog (Ito ay bago ko binasa uli yung luma kong blog na to).

Habang binabasa ko ang ilang nakasulat doon, natempt ako na i-import ang laman nun dito sa blog ko ngayon. Pero hindi ko na tinuloy kasi naman parang wala yung essence pag nilipat ko dito. Isa pa, duplicate content yun kapag hinayaan ko lang ang dati kong blog. So, kung gusto ko talaga i-import ang mga posts ko sa luma kong blog, dapat i-delete ko rin yung account. Kaya, ayun hindi ko na lang tinuloy.

Noong binabasa ko naman ang luma kong mga articles, natutuwa ako, kasi nakakatuwa pala kung sa tagalog ako magsulat. Kapag english articles ko, pakiramdam ko napaka-trying hard ko mag-english. Kapag tagalog, ang kulit kasi ng mga kuwento ko eh. Nakikita ko yung dating Reah na sobra kung magkuwento na ultimo maliit na bagay ay nabibigyan ng malaking halaga, kaya eto, na-inspire tuloy uli ako mag-blog in Tagalog. Nyahaha…

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

You may use these HTML tags and attributes: <a href="" title=""> <abbr title=""> <acronym title=""> <b> <blockquote cite=""> <cite> <code> <del datetime=""> <em> <i> <q cite=""> <strike> <strong>