Reah's Blog | Education, Language, Technology

Naks Tagalog!

By on Sep 5, 2008 in Personal | 2 comments

Share On GoogleShare On FacebookShare On Twitter

Wahahaha, hirap na ako mag-english eh, bakit ba? Joke. Feeling ko kasi mas ma-eexpress ko to sa Tagalog.

Kagabi, napanuod ko sa Net25 ang isang episode na pinag-usapan kung ano ang ginagawa ng mga Pilipino kapag traffic. Iba-iba ang sagot ng mga na-interview. Mayroong naiinis, mayroong walang paki, yung iba nagmumuni, nagtetext, natutulog, nakikinig ng music, o kaya naman tinitigan ang ibang pasahero para maaliw naman.

Kung ako tatanungin depende kung saan ako pupunta at anong oras na. Siyempre kung late na ako, magagalit ako, ba’t naman natrapik pa ako, pero kung tutuusin ako naman may kasalanan, di’ba kasi, late na ako nagising.

Kung pauwi na ako, ok lang kahit mastuck ako sa trapik kasi maiidlip na lang ako, o kaya magtetext kapag may kailangang itext. Kung wala naman, nagmumuni ako o kaya tinitigan ang mga katabi kong pasahero, minsan yung driver, hindi dahil sa gwapo siya kundi dahil natutuwa lang ako na kaya niya magcompute habang nagmamaneho. Noong meron naman akong mp3, nakikinig ako ng music. Kapag papunta naman ako sa school, nagrereview ako ng lessons. So, iba-iba talaga ang ginagawa ko kapag nadatnan ng trapik sa daan, o kaya naman nasa biyahe ako.

Pero ang pinakagusto ko sa lahat ay pagmumuni muni. Ano kaya itsura ko nun? Hahaha… Nakakatakot daw ako tingnan pag nag-iisip kasi para daw akong galit. Well, basta, nag-iisip ako. Kanina nga lang natuwa ako kasi nagkaroon ako ng ideya para sa website ko, at sa mga posibleng website ko balang araw. Kailangan ko lang matuto ng php. Feeling ko magkli-klik yung ideya ko as long walang maka-unang makagawa nito.

Naiinis nga lang ako kasi masyado akong inspired para gawin ito pero kailangan ko iignore kasi magrereview ako para sa LET. Kung kailan naman hindi na ako tambay sa bahay saka ko naisip ang napakagandang ideya na to. Bwisit talaga!

Ano idea ko? Secret…. Abangan niyo na lang.

Announce ko ba dito? Baka… =P

2 Comments

  1. anjewiko

    September 7, 2008

    Post a Reply

    naks naman..wala ka pa ring kupas gumawa ng mga ganito..IDOL!! kamusta ka na pala ma’am?? paramdam ka naman minsan..ehehehe

Submit a Comment

Your email address will not be published. Required fields are marked *

You may use these HTML tags and attributes: <a href="" title=""> <abbr title=""> <acronym title=""> <b> <blockquote cite=""> <cite> <code> <del datetime=""> <em> <i> <q cite=""> <strike> <strong>