Isa lamang ito sa mga tanong ng maraming Pilipino. Paano nga ba yumaman?
Kung tutuusin ang madaling sagot dito ay mag-ipon ng pera. Pero isa ito sa napakahirap gawin, hindi ba? Mas madali kasing gumastos kaysa mag-ipon dahil maraming bagay ang nakakaengganyo pagkagastusan. Pero kung talagang nais maging mayaman dapat ang maging mantra natin sa araw-araw ay “mag-ipon para yumaman”. Ito yata mantra ng asawa ko eh. Tuwing gagastos ako tatanungin ako kung may ipon daw ba muna ako o kailangan ko ang bibilhin ko bago ako gumastos ng malaki laki. Hindi naman ako makahindi sa kanya kasi tama naman siya.
Sa kakapanood ko ng Suze Orman shows kasama ng asawa ko, narealize ko na talagang kailangan:
- Mag-ipon ng pera
- Matuto mag-budget ng pera. Bumili ng mga gamit na kinakailangan lamang.
- Maging maayos at matipid sa gamit.
- At patuloy na isipin ang bukas. Maglaan ng emergency savings bago magwaldas ng pera.
Pero narealize ko din na may ibang paraan para maging mayaman, dapat ay isa ka sa mga taong ito:
- Maging talentado at patuloy na pagbutihin ang kakayanan upang umusbong ang karera.
- Mag-tayo ng negosyo.
- Anak ng mayaman para maraming taong makikilala (hindi lamang ang iyong magulang at pamilya) na maaring magbigay sa’yo ng magagandang opurtonidad na kumita ng pera.
- Kung hindi anak mayaman, kailangan matutong maghanap ng mga bagong kakilala upang lalong dumami ang oportunidad sa trabaho o negosyo.
- Tumaya sa lotto.
- Maging tagapagmana.
Sa mga anim na nabanggit ko, apat dito ay nakasalalay pa rin sa kakayanan mo at sa patuloy na pagsasagawa nang apat na una kong nabanggit tulad ng pag-iipon ng pera.
[This post is a personal web experiment.]


thanks tama ang sinabi mo reah.gusto ko mag ipon ang hirap talaga eh kulang pa pambayad sa mga utang ko kaya makakaipon talaga sana ako kung hindi nauna ang utang isa lang ang masabi ko sana may taong mag pahiram sakin ng pera iingatan ko ito at kung bibbiyayaan ako ng panginoong dyos na umunlad ibabalik ko na sa kanya ng higit pa sa doble at ako naman ang tutulong sa taong nangangailangan.
junkshop nga pala ang paln kung future business at iingatan ko ito. ako mismo ang mag manage dahil sa hirap ng buhay kilangan kong mag sikap i need starting capital
pangalawa mag tatayo ako ng barbershop kapag nakaipon na ako
pangatlo.tatangap ako ng mga sangalaan mga gamit sa bahay at damit lang muna, after 1 month pag di natubos sakin na po syempre.
reah.
may point ka sa mag-ipon ng pera. pero paano ka makakaipon ng pera sa pilipinas kung sakto lang ang kinikita mo sa pangangailangan mo. OO dapat matuto mamaluktot kung maiksi ang kumot. pano kung talagang wala na.. kahit pilitin mo pagkasyahin eh hindi talaga kaya. paano kung magiipon ka ng pera for example 500-2000 pesos per month [for regular salary] eh baka may apo kana eh wala pa din. hirap noh ang dami ko naiisip na negative. ewan ko ba sa sarili ko. ang mahirap kasi sakin [ayoko kasi sabihin na sa iba ko sa pinoy eh sa kano ewan] minsan o madalas [ito yun katotohanan...] habang gusto mo magplano habang gusto mo ayusin ang lahat lalo nagkakamali laging may mali laging may kulang [ewan ko ba] “habang ayaw mo magkamali lalo ka nagkakamali” ewan ko kung na experience nyo na din yun ganun.
pero ang naniniwala naman ako sa sinabi mo. ok lahat yun. ang pinaka the best don eh ipon then business.
kasi kung puro ipon walang effort sa business eh baka 20years eh di pa din na achieve ang goal mo. ewan ko ba bakit ako nagpopost dito siguro madami ako iniisip madami ako gusto mangyari madami ako pangarap di naman masama yun diba?
sa ngayon im working abroad as a technical consultant. earnings + business talaga ang key. pero kung co-computin ko kasi kung iipon ka ng 10K a month in 5years ok na siguro to start a business. pero pag nalugi patay. back to zero? bakit ba lagi ako may pero ano ba to pero pero nalang? sana bigyan nyo ako ng sites na mababasa para ma inspire ako at lalong maging masipag.
thanks ang gulo noh
For sure ho, mahihirapan ako mabuhay kung ang sahod ko po buwan buwan ay 500-2000 pesos lamang. Saan po ba to sa Pilipinas, at kung anong klase po bang trabaho? Hindi naman po to pang-opisina, di’ ba?
Naku.. technical consultant pala kayo, ano po bang industry yan? Baka pwede po tayo mag-network, for referrals
Paano bha yumaman??
For me dahil sa mga pinag daanan kung hirap sa buhay.hirap at pang aapai ang nag tulak sa akin upang ako mismo ang mag papatibay sa aking sarili kung paano yumaman.ayon sa nabasa ko na books mula kay donald trump and robert kiyosaki isa sa mga succesfull millionaire isa sa basihan nila ay
1.) WORKHARD
2.)SAVE MONEY
3) GET OUR OF DEBT
4.) INVEST FOR LONG TERM AND DIVERSIFY
Ngunit mas marami akong nabasa na ang taong Nangungutang ng malaking halaga ay mas lalong yumayaman kay sa taong Nag iipon lamang o nag iipon sa banko. dahil ang taong nagungutang ay pinahalagahan nya ang perang kanyang inutang
nag tayo sya ng negosyo at sya mismo ang nag manage hindi dapat itiwala sa ibang tao kundi sy amismo ang namahala.
Kung kayat ako man mismo ay naniwala kc ang taong nag iipon lamang ay walang additional income ang pinag mumulan ng pera nya kundi galing lamang sa pinag paguran nya araw-araw mula sa sahod nya nag tatabi sya ng 5taw lamang sa loob pa ng isang buwan/samantala naman ang taong nagutang na may negosyo na ngayon ay higit pang doble ang na deposit nya sa banco kahit paman siya ay nag poporsyento ng 10 percent doon sa inutangan nya.
kaya mas madali talaga yumaman ang negosyante kay sa taong nag tratrabaho lamang.
kaya nga mas dapat nating ingatan ang ating pag katao dapat walang dungis sa kapwa dahil sino ang mag papautang sa iyo sinong tao ang mag titiwala sayo kung alam nilang ikaw ay taong balasubas at hindi mapagkatiwalaan.
pareng dugong,
Salamat sa pagsulat ng inyong opinyon. May point ka tungkol doon sa ang mga mayayaman mas madaling yumaman kasi may pera na agad sila. Ang mga taong nagtatrabaho lamang ay hindi naman din kasi yayaman kung ipon lang sila ng ipon ng pera. Dapat pinapaikot din nila ang pera at maglaan lang ng tama para sa emergency.
mareng reah.
nag tataka ako ngayon maraming networking business ang nag sosolputan dita sa pinas.tulad ng living cee
3taw ang membership fee then kapag naka recruit ka ng tatlo may digicam kana at kapag sampo laptop
pero mautak din sila anoh kc sa tatlong tao
( 3X 3.000 = 9.000 ) eh mag kano lang naman ang digi cam 3taw lang pero sila kumita pa ng doble walang kapagod pagod.ito ang ibang style ng networking na hindi mo mahahalata ang masaklap nito wala silang sariling stablishment dito sa pinas lahat yan nagungupahan lang ng office at sa katagalan mabalitaan mo nag laho na kawawa naman ang mga member nag laho na ang scammer.
maraming stelo ang scam pwedeng ikaw din mismo ang gagamitin nila sayo nakapangalan ang business syempre tuwang tuwa naman tayo.pero kapag nag kahulihan na ikaw lang naman ang dadakpin ng mga pulis wanted pala sa FBI ang mga products na yun
Kaya minsan mag ingat din tayo sa pag papa member hindi lahat ng networking ay mabuti
Alam niyo po totoo yang obserbasyon ninyo. Ang masaklap nito maraming Pilipino ang nagogoyo sa mga ganyan. Nakakalungkot na ang mga Pilipino madaling makumbinsi sa networking. Ang mga kumikita naman, di naman naiisip na ginagamit lang nila ang pera ng mga taong naloloko nila.. (hindi kasi halata na panloloko eh, I mean, iisipin nila tama ginagawa nila).
yung global money din na imbestigador na..akalain mo bha naman sinong maniniwala na sa halag ng isang libo mong membership fee covered na lahat pati insurance mo at marami pang iba hospitalization yata yun..abay syempre pag marami na silang member di na mag papakita..nalala nyo ba yung forever living ba yun ganon sobrang sikat tapos naglahong parang bola hehehe