Noong isang araw, nag-install uli ako ng Ragnarok Online sa computer ko. Dinemonyo kasi ako ng kaibigan ko, easy installation kasi sabi niya (copy and paste ng files galing sa USB to my hard drive). Oh, diba, di ko na talaga kelangan ung matagalan na patch-up. Doon lang naman ako hesitant dati eh. Kaso ngayon nasa Valkyrie server ako, ung free server pero yung ibang items ay binibili through real money, na macoconvert sa Ragnarok points. Ok naman ako sa idea na ganun, kaso namimiss ko ang Chaos server. Pasalamat na nga lang ako na-alala ko yung password ng luma kong account at nalink ko ang bago kong account at ung luma. Ang problema ko lang ngayon, hindi ko ma-access yung dati kong account through Chaos server kasi kelanagan ko i-install yun ng hiwalay, at matagal for sure yun.
Noong narinig ko uli ang openng background music ng Ragnarok, natuwa ko, ung tuwa na parang kinilig na nakita ko yung crush ko. Reminiscing the good old days ng Ragnarok Addiction peak ko. Hehe, tapos nakita ko uli ang Prontera at Payon at laberta at mga monsters at marami pang iba. May mga napansin nga lang ako, walang fly wing at butterfly wing. Haay…. tamad pa naman ako maglakad. Bad trip, iwas bot daw. Hmp/


Hello,
sabi mo na addicted ka.Itanong kulang magkano ba ang nagasto mo per game w/ some game na you have to avail of real money. gaano ba ka expensive yon. Kasi ang anak ko palagi lang laro ragnaruk at I noticed walang pera palagi. Please enlighten me. rest assured this will not make you trouble with my son. maraming salamat.
@neleh,
Matagal na ako hindi naglalaro. Noon, dial-up lang ako, so per week bumibili ako ng 100 pesos na dial up card. Bukod pa yun sa ragnarok card na 100 pesos which lasts only a week. Isipin mo na lang kung everyweek ako bumibili, bukod pa sa game items na mabibili mo with real money.
Try mong pumunta sa mga tindahan ng prepaid cards at check mo kung meron silang level-up game card. Ask mo magkano at ilang oras ang bawat card. Doon mo malalaman kung gaano kagastos to.