So, mas daig ko pa ang diyos?



May dati akong kaibigan na napakagaling mag-sulat. Dati close kami, hindi na ngayon. May nangyari kasing hindi maganda, pero carry na. Tapos na yun eh. Pero hindi na kami talaga magkaibigan ngayon.

Dahil sa magaling siya magsulat, naisip ko kunin ang serbisyo niya. So tinext ko ang kaibigan ko na close friend niya. Sabi ko sa text:

“Andoy pakitext naman si Juan. Pakisabi kung pwede siya magsulat sa amin ng 10 articles. Mga 200-300 words each. Kelangan lang kasi namin ng unique articles eh. Eh alam ko naman magaling siya magsulat. Sabihin mo walang malisya to. Kelangan ko lang talaga.”

Ang reply sa akin, matapos ang ilang araw, finorward ng kaibigan ko ang reply ni Juan.

“Tang*** tol! Sampung articles? Kahit sabihin mo diyos ako, hindi ko kaya yun. Sabihin mo walang time. Salamat.”

Well, naintindihan ko naman ang sagot niya. Kasi nga naman may full time job siya. Pero wala lang, naisip ko lang, “So daig ko pa ang diyos?” Sabi niya kasi kahit diyos siya hindi niya kaya gawin ang sampung articles. Eh ako. Nakagawa kasi ako ng sampung mahahabang articles sa loob ng limang araw. Partida, umaalis pa ako ng bahay niyan.

Hindi naman ako nagmamayabang. Kaya talaga isulat ang sampung articles sa loob ng limang araw kung gugustuhin mo, pwede nga isang araw lang eh, kung talagang inspirado ka magsulat. Sa isang online job, kapag nakasanayan mo na, sisiw na lang ang sampung articles. Pero dapat motivated ka talaga. Kasi kung wala, hindi ka makakasulat. Sa dati ko ngang pinagtrabahu-an. Limang articles kada araw pinagawa sa akin. Nakayanan ko.

Tungkol naman sa pinapagawa ko sa kaibigan ko, hindi naman niya kelangan isulat iyon ng isang araw eh. Kahet next month pa niya matapos lahat, ok lang.

Haayyy…buhay nga naman.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

You may use these HTML tags and attributes: <a href="" title=""> <abbr title=""> <acronym title=""> <b> <blockquote cite=""> <cite> <code> <del datetime=""> <em> <i> <q cite=""> <strike> <strong>